Pinoy Haiku: Tanaga, Daglit at Diona

Hindi na bago sa pandinig nating mga pinoy ang mga istilong panitikan tulad ng “Haiku” at mga Soneto, ngunit sa oras na itanong mo kung pamilyar ba ba sila sa Tanaga, Daglit at Diona, ang mga sagot na posible mong makuha ay, Ha? Ano yun?.
Bago pa man nagsidatingan ang mga mananakop na Espanyol, matagal ng may mahusay na anyong panitikan ang mga ninunong Pilipino. Ito ay inilalarawan bilang may mataas na antas ng kalidad na nagpasalin-salin sa mga henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang istilo.
Natural na makata ang mga Pilipino, ngunit dahil sa pwersang nag-impluwensya tulad ng pagkontrol ng mga Espanyol at dantaong pananakop ng iba pang kolonyang bansa, tila nabaon sa limot ang mga istilong sariling atin.
Tulad ng Haiku, isang anyong panitikan mula pa sa kulturang Hapon, na binubuo ng mga limitadong sukat ay nagpapakita at mayroong temang sumasaklaw sa kalikasan, karanasan, pamilya at iba pa. Ang pinaka-popular na anyo […]

Original post by pseudofect

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.